Talagang sumakses na sa career si Ryzza Mae Dizon dahil sa kanyang “big girl purchase” kamakailan.
Bago pa man kasi sumapit ang kanyang kaarawan ay bumili na si Ryzza ng isang brand new na Toyota van na agad niyang ibinida sa social media bilang advance birthday gift sa sarili.
Hindi maitago ng dating child star ang kanyang kasiyahan nang i-share ang milestone na ito, kalakip ang pasasalamat at excitement sa panibagong achievement sa kanyang buhay.
“Big girl purchase. Thank you Lord,” caption nito.
Agad namang bumuhos ang pagbati mula sa kanyang showbiz friends, kabilang na si Atasha Muhlach na todo-suporta, habang pabirong nag-comment si Miles Ocampo tungkol sa magiging “service” nila.
Nakisabay rin si Pauleen Luna sa pagbati sa young star.
Marami ang humanga kay Ryzza dahil sa murang edad pa lang ay marunong na siyang mag-handle ng kanyang kinikita.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

