Nagkatulakan sina Senador Robin Padilla at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa Senado matapos subukang harangin at pigilang makapasok ng kalihim sa session hall si Senadora Pia Cayetano.
Nangyari ang tensyon matapos umanong pilitin ng ilang senador mula sa Senate majority bloc na ituloy ngayong Huwebes, Hunyo 4, ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa maanomalyang flood control project.
Kasunod ito ng nangyaring pagpapalit ng liderato sa Senado, kung saan inihalal si Senador Win Gatchalian bilang bagong Senate President Pro Tempore noong Miyerkoles, Hunyo 3.
Inihalal naman si Senador Erwin Tulfo bilang bagong Blue Ribbon Committee chairperson, kapalit ni Senadora Cayetano.
Matatandaan na una nang inihayag ni Tulfo na ipagpapaliban ang pagdinig sa flood control scam ng naturang komite ngayong Huwebes.
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

