Agree si Rita Avila sa desisyon ni Naga City Mayor at dating VP Leni
Robredo na hindi tumakbong Pangulo sa 2028 elections.
Kilalang Kakampink ang aktres.
On her Facebook account, sinabi ni Rita na wala nang kailangang patunayan si Leni.
Aniya, naipamalas na daw nito ang kanyang “kabutihan, kasipagan at katalinuhan” na maglingkod sa bayan.
Dagdag pa ni Rita, mapayapa na daw ang buhay ngayon ng dating Bise Presidente.
“Para ano pa na saluhin niya ang mga problemang iiwan sa kanya ng mga nakaupo ngayon? Siya pa ang pagbibintangan ng mga hunghang!” saad ng aktres.
In essence, gustong sabihin ni Rita na dismayado siya sa ilang mga botante na hindi marunong kumilatis ng mga deserving leaders.
“Marami pa rin ang mga walang kuwentang Pilipino na bumoboto ng di maayos na Presidente…eh, ‘di maghirap tayo nang maghirap, magkagulo nang magkagulo!”
Hayaan na daw maghari-harian ang mga goons: “Baka pag nasa lusak na tayo, may mga dumilat. ‘Yun nga lang, huli na. Lunod na. Ginusto n’yo ‘yan, eh!”
Pakiusap ni Rita’y huwag nang idamay si Leni, sabay kuwestyon: “‘Yung mga nagmamagaling, ano na?!”
Relate much ang maraming netizens sa real talk ni Rita!
Trending
- Dimples, nakabalik na from Spain, walang chicka sa Bea-Vincent wedding
- Rita, pabor na ‘di tumakbo si Leni sa pagka-pangulo
- Awra, rumesbak sa professor
- NASCAR Cup Series champion Kylie Busch pumanaw na sa edad 41
- Eala vs Iva Jovic
- Isa sa mga TBM ng Metro Manila Subway Project bumiyahe na
- Higit 4,600 bagong kaso ng HIV, naitala
- Reporma sa basic education, isinusulong ng DepEd

