Patay ang 47-anyos na lalaking empleyado ng isang ospital nang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa metal railings ng isang tulay sa Brgy. Bantaoay, San Vicente ng lalawigang ito nitong Linggo ng gabi, Setyembre 6.
Ayon sa San Vicente MPS, ang biktima ay residente ng Sta. Catalina, Ilocos Sur.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay bumibiyahe papuntang hilagang direksyon.
Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, partikular sa paakyat at pakurbang bahagi ng kalsada ay na-overshoot ang driver hanggang sa bumangga ang kanyang motorsiklo sa metal railings ng Urdas Bridge.
Resulta nito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ivang bahagi ng kanyang katawan ang biktima.
Agad na isinugod sa ospital ang biktima.
Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

