Nasawi ang 69-anyos na retiradong nars at tatlo ang sugatan nang bumangga ang sinasakyang SUV sa isang poste sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Kinilala ang nasawi sa alyas na “Nina,” biyuda at retiradong nurse, na idineklarang dead on arrival sa Landero Clinic and Hospital.
Sugatan naman ang drayber at dalawa pang pasahero na kinilalang sina alyas “Tino,” 65-anyos; at retiradong empleyado ng gobyerno, at alyas “Diego,” 47-anyos.
Batay sa paunang imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang drayber ng sasakyan dahilan upang sumalpok ito sa isang poste sa gilid ng kalsada.
Agad rumesponde ang mga awtoridad upang bigyan ng paunang lunas ang mga biktima at magsagawa ng imbestigasyon sa sanhi ng aksidente.
Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang kabuuang detalye ng insidente.
Trending
- San Beda Red Lions player JV Gallego pumanaw na
- Alex Eala makakatambal muli si Venus Williams
- Rommel to the rescue kay Robin, binarag si Angel!
- Awra, nagpa-rhinoplasty, bet magmukhang Latina!
- Gwendoline Meliz Soriano : Binibining Pilipinas International 2026
- Marcoleta, ‘di nakakulong sa air-conditioned cell
- Pulis sa ‘mistaken identity’ na- inquest proceedings
- 4 PH-registered vessel nakalabas na sa Hormuz

