Sisimulan na ang ilang mga reporma sa Philippine National Police Academy (PNPA) kasunod ng mga naitalang insidente ng hazing sa loob ng nasabing akademya.
Ayon kay Acting PNPA Director Brig.Gen. Red Maranan, ang una nilang ginawa ay ang segregation o paghihiwalay ng kadete bawat class.
Sumunod dito ang paglalagay ng mga karagdagang CCTV sa loob at paligid ng barracks, loob ng classrooms at sa lahat ng mga lugar na nagkakaroon ng aktibidad ang mga kadete.
Dagdag pa niya, pagagamitin din ng body-worn cameras ang mga tactical officer para malaman ang kanilang mga ginagawa na mino-monitor sa gagawing cadet monitoring facilities sa PNPA.
Ayon sa PNPA, layon ng nasabing mga hakbang na ito na mawakasan ang kultura ng hazing sa loob ng akademya na kung saan ang pinakahuling naganap ay ang pagkaka-ospital ng mahigit sa 20 lower class cadet na pinahiran ng muriatic acid sa likurang bahagi ng katawan noong Abril 3.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

