Maaalala umano si Ateneo student-athlete Rene Clert “Bobet” Baterbonia bilang isang “dreamer” o manlalarong puno ng pangarap.
Inihayag ito ng dating coach ni Baterbonia na si Jess Evangelio sa panayam ni Pinky Webb sa programang “On Point” ng Bilyonaryo News Channel.
Aniya, si Baterbonia ay kilala niya bilang isang taong hindi natatakot mangarap nang malaki sa kabila ng mga hamon sa buhay.
“Ang ma-remember ko talaga kay Bobet is dreamer talaga siya. Sobrang dreamer niya talaga, sagad talaga. Kung mangarap, sagad,” ani Evangelio.
Kuwento niya, “Nakapunta ako ng bahay nila sa Talacogon (Agusan del Sur), sobrang liit pero na-amaze ako. Sobrang liit ng bahay pero sobrang laki ng pangarap.”
“I always remember him as a dreamer,” pahayag pa ni Evangelio.
Isa si Baterbonia, kasama si Divine Adili, sa nasawi matapos malunod habang nasa team-building activity ng Ateneo sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.
=====
Trending
- SC sa Ombudsman: Magsampa ng reklamo sa tiwaling hukom kung may ebidensya
- 6,253 na kaso ng leptospirosis sa bansa
- Pag-iisyu ng arrest warrant vs VP Sara kinondena
- Tony Parker, iba pang basketball icons pinainit ang NBA House Philippines 2026
- Naomi Osaka agaw-eksena bago ang unang laban sa US Open
- 8 pelikula, na-shortlist sa 99th Oscars
- Liza, balik-Pinas, sumakay ng jeep
- “Keffe D” hinatulang guilty sa pagpatay kay Tupac

