Muling darating sa Pilipinas ang pilgrim relic ni Saint Carlo Acutis ngayong taon para sa kanyang ikalawang national tour na tututok sa Cebu at buong rehiyon ng Visayas.
Kinumpirma ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at ni Fr. Jerome Ponce na kasalukuyan na ang mga paghahanda para sa nasabing pagbisita.
Inaasahang darating at iikot ang relic mula Nobyembre hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon.
Ang relic ay isang bahagi ng pericardium ni Acutis o membrane na bumabalot at nagbibigay-proteksiyon sa puso.
Ayon sa CBCP, itinuturing itong first-class relic for veneration.
May plano ring dalhin ito sa Mindanao sa hinaharap ngunit wala pang pinal na iskedyul.
Kilala si Acutis bilang isang Italian teenager na gumamit ng teknolohiya at internet upang ipalaganap ang debosyon sa mga himala sa Banal na Eukaristiya.
Itinuturing siyang pandaigdigang modelo ng kabanalan para sa mga kabataan sa digital na panahon.
Ang unang pagbisita ng relic sa bansa ay naganap noong Nobyembre 27 hanggang Disyembre 15, 2025.
Sa loob ng 18 araw, dinala ang relic sa hindi bababa sa 29 na simbahan sa 16 na diyosesis sa buong Luzon, na dinagsa ng maraming deboto.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

