Nagbabala ang mga awtoridad laban sa pangongolekta, pagbebenta, at pagkain ng shellfish at alamang mula sa karagatan ng Biliran Island matapos magpositibo sa red tide toxin o saxitoxin ang mga shellfish sample mula rito.
Inilabas ang babala noong Mayo 22 matapos kumpirmahin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Fisheries Laboratory Division na may taglay na saxitoxin ang mga nakuhang shellfish samples sa Biliran waters.
Ayon sa mga awtoridad, hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at Acetes species o alamang mula sa mga apektadong lugar.
Nanatili rin ang shellfish ban sa karagatan ng Daram at Matarinao Bay, kabilang ang mga bayan ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo dahil positibo rin sa red tide toxins ang mga shellfish samples doon.
Nilinaw naman ng BFAR na ligtas pa ring kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango mula sa mga apektadong lugar basta sariwa at maayos na nalinis.
Pinapayuhan ang publiko na alisin ang mga lamang-loob gaya ng bituka at hasang at hugasang mabuti ang seafood bago lutuin.
Ang red tide ay dulot ng harmful algal blooms na naglalabas ng toxins gaya ng saxitoxin na maaaring magdulot ng paralytic shellfish poisoning kapag nakakain ng kontaminadong seafood.
Trending
- Perjury vs Trillanes isinamapa ni Mans Carpio
- Bato, tag ‘armed and dangerous’ pinalagan
- Gusali sa Pampanga guho : 30 natabunan
- Gusali sa Pampanga guho
- Gusali guho: 30 natabunan
- Eala at Tjen nagdala ng ‘pagmamalaki’ sa Timog-Silangang Asya sa Roland Garros
- Alyssa Valdez: ‘Hindi ako magsasawa na irepresenta ang bansa’
- Kylie Padilla nabawasan na ang angas, tapang dahil sa 2 anak

