Mananatili sa Los Angeles Lakers si Austin Reaves matapos pumirma ng apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $185 milyon.
Tinanggihan ni Reaves ang kanyang player option na $14.9 milyon upang mabigyang-daan ang bagong kasunduan na itinuturing na pinakamalaking kontrata para sa isang undrafted player sa kasaysayan ng NBA.
Nagkaroon ng serye ng pag-uusap ang kampo ni Reaves at ang Lakers sa nakalipas na mga araw bago tuluyang naabot ang kasunduan.
Ayon sa mga ulat, nais ni Reaves na manatili habambuhay sa Lakers at makatulong sa koponan na muling makapagkampeon.
Hindi naman maaapektuhan ng kontrata ang salary cap flexibility ng Lakers ngayong offseason dahil nakapaloob na ito sa kanilang plano sa badyet.
Itinuturing si Reaves bilang isa sa mga pangunahing pundasyon ng koponan kaya agad siyang isinailalim sa long-term deal ng pamunuan ng Lakers.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

