Pormal nang hiniling ng Estados Unidos sa Pilipinas ang extradition ni Pastor Apollo Quiboloy upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya sa naturang bansa, ayon sa matataas na opisyal ng gobyerno.
Ayon sa mga source ng BNC, ipinadala noong nakaraang buwan ng US Embassy sa Maynila ang kahilingan sa Department of Foreign Affairs (DFA), na siya namang nagpasa nito sa Department of Justice (DOJ).
Sa ngayon, nirerepaso na umano ng DOJ ang extradition request ng US.
Noong 2021, sinampahan si Quiboloy ng US federal grand jury ng mga kasong conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, sex trafficking of children, at bulk cash smuggling.
Dahil dito, isinama siya sa most wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI).
Kasalukuyang nakadetine si Quiboloy sa Pasig City Jail kaugnay ng mga kasong sexual abuse, child abuse, at human trafficking na kinahaharap niya sa Pilipinas.
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

