Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga sakit na maaaring makuha ngayong pumasok na ang panahon ng tag-init.
Sa abiso ng DOH, tumataas ang panganib ng heat exhaustion at heat stroke—mga kondisyong maaaring maging malubha at nakamamatay kung hindi agad maagapan.
Ilan sa mga sintomas ng heat stroke ay ang lagnat, pagkahilo, pangangalay, pagkawalan ng malay, at mainit at namumulang balat.
Pinayuhan ng DOH ang publiko na sundin ang Heat Health Reminders para maging ligtas at maiwasan ang anumang sakit ngayong panahon ng tag-init.
Payo ng DOH, iwasan ang mabibigat na gawaing pisikal mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon; uminom ng 7–8 baso ng tubig kada araw; gumamit ng payong, pamaypay, o sumbrero kapag lalabas ng bahay; at magsuot ng magaan at maluwag na damit para maging presko ang pakiramdam.
Trending
- School Safety and Security Summit pinangunahan ng NCRPO
- Mga Pulis-Taguig inireklamo, lipat-destino
- Mister tinodas ng kawatan habang natutulog katabi si Misis
- Ketamine : 2 Korean POGO workers dinakip
- Police officer sa Bulacan inireklamo sa Napolcom
- TODA : Tsuper sinaksak
- Service vehicle ng Navotas Polytechnic College,binasbasan
- SFeng Jiajun ng Hong Kong, wagi sa Asian Xiangqi Championship

