Nakikipagtulungan na ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga otoridad para sa malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang atleta ng Ateneo de Manila University.
Ayon sa PSC, bumuo na rin ito ng isang sports stakeholders’ panel para sumuporta sa nagpapatuloy na pagsisiyasat na ginagawa ng mga otoridad.
Target din ng komisyon na repasuhin ang mga kasalukuyang polisiya at training practices para maiwasan ang kahalintulad na pangyayari.
Maalalang nasawi sina Divine Adili at Rene Clert Baterbonia sa kasagsagan ng isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora.
Nais ng PSC na hindi lamang malaman at maintindihan kung ano ang totoong nangyari kungdi matiyak na ang malalamang impormasyon ay magagamit para sa mas ligtas na sistema para sa mga estudyante.
Ito ay sa kabila ng kanilang pakikibahagi sa high-performance sports at nililinang ang kanilang kakayahan sa iba’t-ibang larangan.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

