Pumanaw na si Tom Kane, ang kilalang voice actor na nagbigay-boses kay Professor Utonium sa ‘The Powerpuff Girls’.
Siya ay pumanaw sa edad na 64 dahil sa umano’y komplikasyon mula sa stroke.
Nakilala si Kane sa kanyang malawak na karera sa voice acting para sa mga animated series at video games.
Bukod sa ‘The Powerpuff Girls’, siya rin ang boses ni Yoda sa ‘Star Wars: The Clone Wars’, gayundin ng iba pang karakter sa iba’t ibang sikat na palabas.
“Today we say goodbye to Tom Kane — a legendary voice actor whose work shaped the childhoods and imaginations of millions around the world,” ayon sa kanyang talent agency na Galactic Productions.
“From his unforgettable performances in ‘Star Wars’ to countless animated series, documentaries and games, Tom brought wisdom, strength, humor and heart to every role he touched. His voice became part of our lives, our memories, and the stories we carry with us,” dagdag pa nito.
Maagang nagretiro si Kane matapos ma-stroke noong 2020 na nagdulot ng matinding epekto sa kanyang kakayahang magsalita.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects

