Posibleng hindi makakapaglaro sa susunod na Play-In Tournament game ng Golden State Warriors ang bigman na si Kristaps Porzingis.
Bagaman wala pa itong kasiguraduhan, kasama ang batikang sentro sa injury list dahil sa pananakit ng kaniyang kanang bukong-bukong.
Magaganap bukas, Sabado, April 18, ang susunod at huling Play-In game ng Warriors kung saan makakaharap ng koponan ang Phoenix Suns. Ang mananalo ay otomatikong uusad sa 2026 Playoffs at haharapin ang top NBA team na Oklahoma City Thunder.
Kung babalikan ang huling laban ng Golden State kontra Los Angeles Clippers, si Porzingis ang isa sa mga nanguna sa panalo ng 2022 NBA champion.
Kumamada ang bigman ng 20 points mula sa walong field goals na kaniyang naipasok kung saan tatlo rito ay pawang mga 3-pointers.
Gumawa rin siya ng limang rebounds at limang assists, isang steal, at dalawang blocks sa loob lamang ng 28 mins. na kaniyang pananatili sa hardcourt.
Si Porzingis din ang isa sa core members ng 2024 Boston Celtics na instrumental upang maibulsa ng koponan ang NBA championship sa naturang taon.

Share.