Binalaan ng Manila Police District (MPD) ang mga residente sa lungsod hinggil sa posiblemg kasong kakaharapin sakaling maglagay o mag-set up ng mga portable swimming pool at tent sa mga kalsada.
Ito’y dahil sa nakakasagabal sila sa mga motorista lalo na sa daloy ng trapiko kahit pa inilalagay nila ito kapag weekend.
Batid ng MPD ang paraan ng mga residente sa paglalagay ng mga inflatable pool dahil sa init ng lagay ng panahon pero may mga ordinansa at batas na dapat ipatupad lalo na’t nakakasagabal sila sa publiko.
Una nang nagsagawa ng operasyon ang MPD Station 1 sa ilang bahagi ng Tondo kung saan 60 residente ang nasita at natikitan.
Ito’y dahil sa paglalagay nila ng inflatable at gawa sa tarpaulin na swimming pools, pagkakalat ng basura at ginawang kusina ang kalsada na nakakaabala at delikado sa mga nagdaraan na motorista gayundin sa mga pedestrian.
Kaugnay nito, aaraw-arawin ng MPD ang pag-iikot upang mapigilan ang mga residente sa paglalagay ng portable swimming pool sa mga kalsada sa Tondo katuwang ng mga opisyal at tanod ng mga barangay.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

