Sa gitna ng kontrobersyal na mga estatwa ng ‘Startista Gallery’ na pinutakte ng mga bashers, hindi naiwasang magreak ni Pops Fernandez sa kanyang estatwa.
Sa kanyang social media post, nagbahagi si Pops ng kanyang mas latest na larawan at nilagyan nito ng caption na “Sana po ganito man lang.”
Nauna rito, binawi ng Startista Gallery ang resin statue ni Pops para ayusin matapos itong atakehin ng mga basher. Humingi rin ng paumanhin ang nangangasiwa nito kay Pops.
Sa isang interbyu naman kay Jerry Santos na siyang lead artist ng Startista Gallery humirit ito sa mga basher na huwag masyadong masyadong “harsh” sa pagbibigay ng kritisismo.
“Kami naman po ay tumatanggap ng mga kritisismo pero sana huwag naman yung masyadong harsh to the point na makakasakit sa mga artists pag constructive ina-accept naman po namin. Kaya naman po natin i-improve lahat bigyan lang kami ng chance,” pahayag ni Santos sa interbyu ng News5.
Trending
- School Safety and Security Summit pinangunahan ng NCRPO
- Mga Pulis-Taguig inireklamo, lipat-destino
- Mister tinodas ng kawatan habang natutulog katabi si Misis
- Ketamine : 2 Korean POGO workers dinakip
- Police officer sa Bulacan inireklamo sa Napolcom
- TODA : Tsuper sinaksak
- Service vehicle ng Navotas Polytechnic College,binasbasan
- SFeng Jiajun ng Hong Kong, wagi sa Asian Xiangqi Championship

