Kulang ang salitang panlulumo sa naramdaman ng komedyanteng si Pooh na nadenggoy ng P7M.
Halaga ito ng isang vintage ring na natuklasan niyang malayo sa naturang presyo.
Si Pooh pala’y regular viewer sa tuwing may live selling si Charo Cordial, may-ari ng Maddox jewelry.
Ang siste, pumunta si Pooh sa showroom nito sa Marikina City, bitbit ang nasabing vintage ring para ipasuri na rin.
Naloka si Pooh nang tapatin siya ni Charo na hindi aabot sa P7M ang halaga ng nasabing singsing.
Pinadaan ‘yon sa tester.
Ending–silver plating lang pala ‘yon at hindi gold.
Hindi din diamond ang mga bato nito kundi zirconia.
Feeling ni Pooh, sinakluban siya ng langit at lupa.
Binili pa mandin daw niya ‘yon sa isang kaibigan, na hindi niya inakalang lolokohin siya.
Si Pooh ay hindi mahilig sa alahas.
Ang tagal nga daw “nakatengga” ang singsing na ‘yon sa bahay niya.
Trending
- Gilas Girl inilampaso ang Thailand sa FIBA U18 SEABA Qualifiers, 86-48
- US President Trump manonood ng NBA Finals, fan ng Knicks
- Matteo, may problema sa show
- Queenie, tapos na ng senior high; Pacman, proud parent!
- Pooh, nabudol ng P7M
- Legarda: Iligal, labag sa Konstitusyon pagbabago ng Senate leadership
- Luistro naniniwala sa kakayahan ni Gatchalian
- Tulfo, humingi ng paumanhin sa Cayetano bloc

