Nagpatupad ng panibagong balasahan ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang pitong senior officer, kabilang ang mga hepe ng dalawang police district sa Metro Manila.
Itinalaga si Brig. Gen. Melecio Buslig Jr., dating director ng Eastern Police District (EPD), bilang hepe ng Firearms and Explosives Office (FEO), habang si Brig. Gen. Glenn Oliver Cinco, dating director ng Southern Police District (SPD), ay magiging hepe ng Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA).
Papapalit kay Buslig si Brig. Gen. Roman Arugay bilang EPD director, habang si Brig. Gen. Rodel Pastor naman ang bagong SPD director.
Samantala, itinalaga si Brig. Gen. Jason Capoy bilang hepe ng Human Rights Affairs Office
Papalitan si Capoy ni Brig. Gen. Romano Cardiño bilang direktor ng PRO-Eastern Visayas, habang si Brig. Gen. Rudecindo Reales naman ang mamumuno sa PRO-Negros Island Region.
Epektibo ang mga bagong assignment ngayong Lunes, Setyembre 7.

Share.