Malapit nang magsampa ng kasong plunder ang Office of the Ombudsman laban kay dating House Speaker at Leyte District Rep. Martin Romualdez.
Inihayag ito ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes, Hulyo 17, kaugnay ng isyu sa umano’y anomalya sa mga flood control project.
Ayon kay Remulla, ang kaso laban kay Romualdez ay nasa yugto na ng preliminary investigation.
“Maraming naiinip… pero dapat deliberate… para ‘pag binuo ‘yong kaso at finile ay hindi siya basta-basta mawawasak ng defense counsel,” anang Ombudsman.
Matatandaang nauna nang itinuro ng Office of the Ombudsman si Romualdez bilang umano’y “purported mastermind” sa kontrobersiya sa flood control projects ng pamahalaan.
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

