Muling lumakas ang piso at bumalik sa P60 kada dolyar na antas noong Lunes matapos maging positibo ang reaksiyon ng merkado sa pansamantalang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran na nagpababa sa pangamba sa pandaigdigang suplay ng langis.
Nagtala ang piso ng 34 sentimong pag-angat at nagsara sa P60.18 kada dolyar mula sa P60.52 noong Biyernes. Ito ang isa sa pinakamalakas na antas ng lokal na salapi sa mga nakaraang linggo. Ayon sa mga analyst, nakatulong sa pagtaas ng piso ang pagbaba ng presyo ng langis at pagbuti ng sentimyento ng mga mamumuhunan kasunod ng kasunduang magbubukas muli sa Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta ng pandaigdigang kalakalan ng langis.
Sinabi ni Rizal Commercial Banking Corp. Chief Economist Michael Ricafort na nakinabang din ang piso sa inaasahang pagluwag ng inflation matapos ang matinding pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Kasabay nito, umakyat ang mga pamilihang pinansyal sa iba’t ibang bansa habang bumagsak ng mahigit 5 porsiyento ang presyo ng langis kasunod ng anunsyo ng peace deal, na nagbigay-suporta sa mga currency ng mga bansang umaangkat ng langis gaya ng Pilipinas.
Trending
- South Korea, comeback win laban sa Czechia
- Garcia, Carlsen tabla sa ASEAN Esports Chess Cup
- Dating X-Men actor na si Tyler Mane, may breast cancer
- ‘Tawag ng Tanghalan’ mamamahinga muna – Vice Ganda
- Jeric Gonzales: 50-anyos bebot ipinalit kay Rabiya
- Mayor Magalong hinamon pangalanan ‘90% corrupt’ na kongresista
- Karamihan ng Pinoys, gustong manirahan sa ibang bansa
- 3,500 iskul sarado pa rin sa Mindanao quake

