Nanatiling nasa “severe threat” mula sa China ang Pilipinas, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., kahit pa may naiulat na pagluwag ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at China matapos ang kamakailang summit nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.
Ayon kay Teodoro, natural lamang para sa malalaking bansa tulad ng US at China na maghanap ng paraan upang bawasan ang tensyon, lalo na kung halos pantay ang kanilang lakas-militar.
“For countries like the Philippines, though, which is under severe threat territory-wise and politically too by China, we have no choice but really to be resilient and to stand up against Chinese aggression,” aniya.
Patuloy na nagkakaroon ng maritime standoffs ang Pilipinas at China sa West Philippine Sea, habang iginiit ng Beijing ang malawak na teritoryal na claim nito sa South China Sea na kinuwestyon at tinanggihan ng 2016 arbitral ruling.
Sinabi rin ni Teodoro na walang senyales na naapektuhan ang US commitment sa Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty, at mas lalo pa itong napapalakas dahil sa mas malawak na alyansa ng bansa sa Japan, Canada, Australia, at New Zealand.
Ayon sa kanya, mas nagiging matibay ang deterrence kapag mas maraming kaalyado ang sumusuporta sa seguridad ng Pilipinas.
Giit din ng kalihim, patuloy ang estratehiya ng bansa na palakasin ang depensa, pagtibayin ang alyansa, at mabilis na i-upgrade ang military infrastructure.
Tungkol naman sa alok na tulong ng China sa gitna ng mga krisis sa suplay, sinabi ni Teodoro na hindi ito sapat at walang patunay ng tunay na mabuting intensyon.
“No matter how they sugarcoat their assistance to us, it doesn’t cut the mustard,” dagdag niya.
Mariin din niyang itinanggi ang mga espekulasyon na tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2028, at sinabing mas nakatuon siya sa kanyang kasalukuyang tungkulin sa DND.
Trending
- SEN. JINGGOY SUMUKO SA PNP-CIDG
- PNVF sususpindehin ng POC
- Spurs pinatalsik Oklahoma, pasok sa NBA Finals
- Ashley, nilaglag ang relsyong Kathryn-Mark
- Ken, may trabaho sa Thailand?
- Kiray, may pa-contest sa gender ng baby
- International scholarships para sa guro palalawigin ng DepEd
- Negosasyon sa ASEAN digital economy framework agreement, natapos na

