Naresibuhan ng panibagong pruweba ang pagiging malakas ng tandem nina Anne Curtis at Jericho Rosales sa paglabas ng isang balita tungkol sa pagiging number one sa takilya ng kanilang pelikulang “The Loved One”.
Nagpasalamat si Anne Curtis sa kanyang X media account bilang reaksyon niya nai-tag sa kanyang post na ‘Ranked No. 1″ sa Taiwan ang nasabing movie nila.
Sabi pa sa poster, “The Loved One, Ranked No. 1 in the Seat Occupancy Rating All Over Taiwan”.
Nirepost ito ng isang faney na si @haynako_gg” kasabay ng pagbati nya kay Anne at Jericho sa tagumpay ng pelikula.
“Grabe ang lakas ng suporta ng ating OFW’s in Taiwan – tunay na #PinoyPower. The more we show up, the more theaters will open. Kaya tara na, sama-sama nating ipakita ang lakas ng Pinoy!”
Nahagip ng atensyon ni Anne ang post kaya agad itong nag-comment.
“THANK YOU TAIWAN!”
Dito sa Pilipinas, tinatayang higit sa 250 million pesos ang kinita ng pelikula nang ipalabas ito noong nakaraang buwan.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

