Kinilala ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang isa sa Top 15 Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) na may pinakamalaking dividend remittance sa pamahalaan.
Isinagawa ang pagkilala sa 2026 GOCC Day sa Malacañang noong Hulyo 8, na pinangunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go.
Ayon kay Go, mahalagang pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan ang dividend remittances ng mga GOCC para sa pagpapatupad ng mga prayoridad na programa sa imprastraktura, edukasyon, kalusugan, at iba pang serbisyong pampubliko.
Bilang isa sa mga pangunahing revenue-generating GOCC, inihayag ng PCSO na patuloy nitong ginagampanan ang mandato nitong makalikom ng pondo para sa mga programang pangkawanggawa habang nagbibigay rin ng kita sa pamahalaan.
Ayon sa ahensya, ginagamit ang kita mula sa gaming operations upang pondohan ang iba’t ibang programa kabilang ang medical assistance, pamamahagi ng patient transport vehicles, institutional partnerships, at iba pang serbisyong nakikinabang ang milyun-milyong Pilipino.
Sa kabuuan, 50 GOCC ang nakapagtala ng rekord na P147.15 bilyon sa dividend remittances ngayong taon, mas mataas ng 29% kumpara noong nakaraang taon.
Sa halagang ito, P140 bilyon na ang naipadala sa pambansang pamahalaan, habang inaasahang makukumpleto ang natitirang remittance bago matapos ang taon.
Trending
- Alex Eala haharapin ang tagahanga sa July 15
- Ateneo itinangging empleyado si Baldwin
- “SIGABO” SINITA NG MTRCB
- Kasal ni Ellen kay Derek, malapit nang ma-annul
- Juday gaganap bilang si Nora Aunor
- Komunikasyon palalakasin sa website ng CBCP
- Higit 70 baboy sa Baguio nagpositibo sa ASF
- Inisyatiba sa civil registration pinalawig

