PANATAG na umalis ng bansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa kanyang official visit sa Canada sa kabila ng nagpapatuloy na rally ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa kahabaan ng EDSA.
Sa isang ambush interview sa Villamor Air Base, sinabi ng Pangulo na wala namang kasaysayan ang INC ng panggugulo sa tuwing nagsasagawa ito ng protesta. Gayunman, inamin niyang ang kanyang ikinababahala ay ang posibilidad na may mga indibidwal na makapasok sa hanay ng mga nagra-rally upang mang-agitate at magsimula ng kaguluhan.
Ayon sa Pangulo, nais ng pamahalaan na maiwasan ang anumang insidente at matiyak na walang masasaktan, kaanib man o hindi ng Iglesia.
Sinabi rin ni Marcos na nananatiling mapayapa ang pagkilos ng INC at nagpasalamat siya sa lahat ng tumutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng mga kalahok sa rally.
====
Trending
- School Safety and Security Summit pinangunahan ng NCRPO
- Mga Pulis-Taguig inireklamo, lipat-destino
- Mister tinodas ng kawatan habang natutulog katabi si Misis
- Ketamine : 2 Korean POGO workers dinakip
- Police officer sa Bulacan inireklamo sa Napolcom
- TODA : Tsuper sinaksak
- Service vehicle ng Navotas Polytechnic College,binasbasan
- SFeng Jiajun ng Hong Kong, wagi sa Asian Xiangqi Championship

