Pinagtibay ng mga botante sa limang coastal barangay sa Parañaque City ang ordinansang magbabago sa kanilang mga hangganang teritoryal na katabi ng mga reclaimed area sa Manila Bay, ayon sa Commission on Elections.
Batay sa opisyal na resulta, 11,597 botante ang bumoto ng “Yes” sa City Ordinance No. 2023-19, na nag-aamyenda sa mga hangganan ng Barangays Baclaran, Tambo, Don Galo, La Huerta, at San Dionisio. Samantala, 2,254 ang bumoto ng “No.”
Idineklara ng Plebiscite Board of Canvassers ang pag-apruba sa ordinansa matapos ma-canvass ang lahat ng 151 plebiscite returns mula sa limang barangay.
Sa 79,251 rehistradong botante, 13,873 ang lumahok sa plebisito noong Hulyo 25.
Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na naitala rito ang pinakamabilis na canvassing sa kasaysayan ng plebisito, matapos maiproklama ang resulta ilang oras lamang pagkasara ng botohan.
“The fastest plebiscite canvassing on record, with the Certificate of Canvass and Proclamation having been issued and promulgated within 6 hours from the close of polls,” sinabi niya sa isang pahayag.
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

