Nagtamo ng tama ng stray bullet sa hita ang isang police corporal sa palitan ng putok ng dalawang armadong grupo sa Sitio Blit sa Barangay Sibuto sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Linggo ng hapon, July 19.
Sa ulat nitong Lunes mg local executives at mga officials ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office, agad na dinala sa Datu Odin Sinsuat Hospital ang sugatang si Corporal Ar-Rafie Salahuddin at inilipat kalaunan sa Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato City para sa mas ekstensibong gamutan.
Ayon sa inisyal na pahayag ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, kabilang sa isang pangkat si Salahuddin na kasama sa mga relief workers na may humanitarian activity sa Sitio Blit sa Barangay Sibuto ng biglang nagpalitan ng putok doon ang dalawang grupong Moro na matagal ng may alitan.
Ayon sa mga Moro community leaders, sangkot sa engkwentro ang grupo ng isang alias Samsudin at kanilang mga kalaban na mula isang malaking pamilyang sa Sitio Blit. Una silang nagpalitan ng putok sa Sitio Blit nitong hapon ng Linggo.
Ang mga relief workers na escorted ng mga pulis, kabilang si Corporal Salahuddin, ay nagtungo sa naturang lugar matapos ang insidente upang alamin ang kalagayan ng mga residenteng naipit sa putukan at upang mamigay ng ayuda.
Apektado ng insidente ang mga residente ng tatlong sitios, ang Blit, Tenuy at Badak sa Barangay Sibuto sa Datu Odin Sinsuat.
Inaalam na ng mga imbestigador ng Datu Odin Sinsuat police force kung sino-sino ang sangkot sa naturang gunfight upang masampahan ng mga kaukulang kaso.
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga

