Muling nasilayan ang dating bayan ng Pantabangan sa Nueva Ecija kasunod ng pagbaba ng lebel ng tubig sa Pantabangan Dam nitong Linggo, Hulyo 12.
Ibinahagi ang ilang larawan ng muling paglitaw ng lumang bayan, na nagpapakita ng mga bahagi ng lugar na matagal nang nakalubog sa tubig.
Ang lumang bayan ng Pantabangan ay sinadyang ilubog noong dekada 1970 upang bigyang-daan ang pagtatayo ng Pantabangan Dam, isa sa pinakamalaking dam sa Asya.
Dahil sa proyekto, inilipat ang mga residente noon sa mas mataas na relocation site na nagsilbing bagong bayan ng Pantabangan na kilala ngayon.
Trending
- Cebu, Zambo lifters kuminang sa World Youth Championships
- Noskova kampeon sa Wimbledon
- Jasmine, sinabihang laos
- Ken Chan, nagparamdam na
- Regine, nagpaliwanag sa libreng last major concert
- Pantabangan muling lumutang nang matuyot ang dam
- Pulis sugatan sa ambush; trike driver nadamay, patay
- Ex-OWWA chief Ignacio, kinasuhan sa P1.4B land deal

