Walang talong na nagtapos si Christenzien Lalimo nang humakot siya ng kampeonato sa SK Chess Masters Chess Tournament, at nakuha ang malaking premyong ₱8,000.
Ang isang araw na rapid chess tournament na may orasang 10 minuto ay matagumpay na ginanap sa Senior Hall, Barangay Teresita, Quezon City noong nakaraang Linggo.
“Masaya ako sa aking pagkapanalo ngayon,” pahayag ni Lalimo, na manlalaro ng ahedres ng Lyceum of the Philippines University. Nakakuha siya ng kabuuang 4.5 puntos sa limang laban.
Pangalawa naman si Rongi San Andres na may 4.0 puntos, habang pangatlo si Martin “Binky” Gaticales na may 3.5 puntos.
Nakuha ni San Andres ang premyong pangalawa na ₱4,000, habang kay Gaticales naman napunta ang ikatlong premyong ₱2,000.
Pang-apat hanggang pang-anim naman sina Tyrann Cuenco, Paul John Lauron, at Julian Clemence Malicdem na tig-3.0 puntos bawat isa.
Nakumpleto ang unang sampu na may tig-2.0 puntos: Ikapito si Mary Angeline Esquevel, ikawalo si Princess Annika Lagrimas, ikasiyam si Rolando Lalimo, at ikasampu si Mary Vianne Santos. — (Marlon Bernardino) —


