Nagbabala ang World Health Organization na mas mabilis ang pagkalat ng Ebola sa Congo at Uganda kaysa sa kakayahan ng mga responder na tugunan ito.
Ayon kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, nasa 220 na ang pinaghihinalaang nasawi at inaasahang lalala pa ang sitwasyon.
Pupunta siya sa Congo kasama si health emergencies official na si Chikwe Ihekweazu.
Umabot na sa pito ang kumpirmadong kaso sa Uganda, at nasa panganib din ang mga karatig-bansa.
Ayon kay Tedros, naging mas kumplikado ang pagkontrol sa mabilis na outbreak dahil sa kawalan ng seguridad sa mga probinsya ng Ituri at North Kivu sa Congo, at wala pang aprubadong bakuna para sa Bundibugyo virus.
Idineklara ng WHO na public health emergency of international concern ang outbreak ng Bundibugyo strain, na pinalala ng kaguluhan sa Congo at kawalan ng aprubadong bakuna.
Trending
- Alden Richards naluha sa National Teacher’s Day
- Alex Eala sa Chanel Show
- Jasmine Curtis-Smith bida sa “We Could Be In Love”
- Grandmaster Engr. Asi Ching nakatutok sa Top 5
- Philippine team Asiad Heroes pinarangalan
- NCAP hindi ipatutupad sa Valenzuela City
- LIWLIWA BEACH SA ZAMBALES IDINEKLARANG DANGER ZONE
- TATLONG MOST WANTED SA BATAAN, ARESTADO

