Maligaya si Bianca Manalo sa pagkakahirang ni Sen. Sherwin Gatchalian bilang bagong Senate President.
Ibinoto ang senador sa special session nitong June 17.
Ang SP ang third highest government post–next to the President and VP.
On her Instagram, binati ni Bianca ang dating nobyo: “Will forever be proud of you!!! Well deserved!!! It’s about time! The country needs you!”
Ni-repost naman ni Gatchalian ang message ni Bianca sa kanyang personal IG account.
This, however, was not taken well ng ibang netizens.
Pinaparatangan ng mga ito ang beauty queen-turned-actress na gusto lang daw makipagbalikan sa senador.
“Lol…After ng ginawa mo sa kanya, makikipagbalikan ka!”
“Nasa higher position na si Sen. Win, may gusto bumalik? Ay!”
“Yuck!”
May nag-akusa pa kay Bianca na sinaktan niya ang damdamin ng ex-boyfriend.
Kung matatandaan, January 21, 2026 nang malamang single ang senador dahil sinabi niyang “non-existent” ang kanyang lovelife.
Taong 2023 nang ma-involve si Bianca sa kanyang Magandang Dilag co-star na si Rob Gomez.
Pinabulaanan naman ni Bianca na may namamagitan sa kanila ni Rob.
Lately, dawit naman si Bianca sa balitang paghihiwalay ni MUP 2009 Celeste Cortesi at nobyo nitong si Jonathan Sterling.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

