Nagkaroon ng pagsabog sa isang pabrika ng paputok sa Barangay Butong, Cabuyao nitong Biyernes ng gabi.
Ayon sa ulat, nabalot ng makapal na itim na usok ang lugar dahil sa sunog na umabot sa first alarm bago tuluyang naapula bandang alas-7 ng gabi.
Nasira rin ang ilang bahay na malapit sa pabrika dahil sa lakas ng pagsabog.
Ayon sa Bureau of Fire Protection sa Cabuyao, walang tao sa loob ng pabrika nang mangyari ang insidente.
“May imbakan po rito ng raw materials sa paggawa ng paputok,” sabi ni Fire Chief Inspector Lourdes Cristy Raborar.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa sanhi ng pagsabog.
=====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

