Tinatayang P99.6 milyon halaga ng illegal na kargamento at kontrabando ang nasabat ng Naval Command Western Mindanao (NCWM) sa tatlong magkakahiwalay na operasyon sa karagatan mula Agosto 28 hanggang Setyembre 3, 2026.
Ayon sa NCWM, kabilang sa mga nakumpiska ang undocumented diesel fuel na nagkakahalaga ng mahigit P72.1 milyon, mga smuggled foreign cigarettes, isang motor vessel na tinatayang P27.2 milyon, at illegal na lauan lumber na nagkakahalaga ng halos P252,000.
Sa kabuuan, umabot sa P99,653,015 ang tinatayang halaga ng mga kontrabandong nasabat sa magkakahiwalay na operasyon.
Pinuri ni Rear Admiral Constancio Arturo M. Reyes Jr., Commander ng NCWM, ang mga operating unit at partner agencies dahil sa matagumpay na pagpapatupad ng mga operasyon laban sa illegal activities sa karagatan.
Ayon sa NCWM, magpapatuloy ang kanilang maritime security patrols at pagpapalakas ng koordinasyon sa iba’t ibang law enforcement agencies upang mapigilan ang smuggling at iba pang ilegal na gawain sa katubigan ng Western Mindanao.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

