Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang magkahiwalay na anti-smuggling operations ang dalawang indibidwal sa Misamis Oriental at Zamboanga del Sur.
Sa Misamis Oriental, nadiskubre ang 1,500 na sako ng hinihinalang mineral ores na tinatayang nagkakahalaga ng nasa higit P2.5 million.
Dito na naaresto ang isang lalaki habang ang iba pa ay nakatakas.
Sa hiwalay naman na operasyon sa Pagadian, Zamboanga de Sur ay nahuli ng mga operatiba ang hinihinalaang mga smuggled na sigarilyo na nagresulta sa pagkakaaresto sa isa pang lalaki.
Nakumpiska sa nasabing operasyon ang 100 master cases ng iba’t ibang brand ng sigarilyo at ito ay tinatayang nagkakahalaga ng nasa higit P5.7 million.
Nasa kustodiya naman ngayon ng pulisya ang mga naarestong suspek at nahaharap sa kaukulang mga kaso.
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

