Kulang ang P1 na hirit ng mga transport group na dagdag-pasahe kasunod ng malakihang oil price hike sa susunod na linggo na papalo sa P10.
Una nang sumulat ang transport sector kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para humiling ng P1 fare increase dahil sa nakaambang P10 na dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel sa Martes.
Ang diesel ang ginagamit ng karamihan sa mga public utility vehicle (PUV) driver sa kanilang mga sasakyan.
Ayon kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, dapat ay dagdagan ng P2 ang fare increase dahil sa sobrang taas ng presyo ng diesel.
Aniya, posibleng bumalik sa P90 hanggang P100 ang presyo ng kada litro ng diesel sa mga susunod na linggo, kaya dapat ay mas malaki rin ang dagdag sa pasahe.
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga

