Pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P10 kada litrong fuel subsidy para sa mga pampasaherong jeepney at UV Express ng isa pang buwan, kaya magpapatuloy ito hanggang Agosto.
“Ipagpapatuloy po ang fuel subsidy, yung PHP10 bawat litro sa mga jeepney at saka UV Express for another month,” ayon kay LTFRB Chair Vigor Mendoza II.
Sinabi niyang pinalawig ang subsidy habang pinag-aaralan pa ang pinal na desisyon sa mga nakabinbing petisyon para sa taas-pasahe.
Para naman sa mga bus, sinabi ni Mendoza na hindi pa sila kasama sa fuel subsidy kaya may dalawang pinagpipilian: itaas ang pamasahe o isama ang mga bus sa fuel discount program.
“Naiintindihan naman natin yung sitwasyon ng mga bus, kasi hindi naman sila kasama sa fuel discount for now. So, there are really two options there — iakyat ang pamasahe sa mga bus or pangalawa, yung fuel discount na karapat-dapat sa bus,” aniya.
Gayunman, sinabi niyang malaki ang magiging epekto sa pondo ng pamahalaan kung isasama ang mga bus sa subsidy.
“Kung isasama ang bus sa fuel discount, malaking kabawasan sa funds ng ating gobyerno. Makakatipid din tayo, so we might as well bite the bullet now,” ayon pa sa kaniya.
Makikipagpulong ang LTFRB kina Executive Secretary Ralph Recto at Transportation Secretary Giovanni Lopez upang pagdesisyunan ang magiging hakbang para sa sektor ng bus.
Sa ngayon, walang desisyon kung itataas sa P15 o P20 kada litro ang fuel subsidy, kaya mananatili muna ito sa P10 kada litro.
Trending
- Quezon Huskers nakiisa sa panawagan vs game fixing sa MPBL
- EJ Obiena kampeon sa pole vault meet sa Germany
- Angelica at Bela, ‘friendship over’ na?
- Hater ni Ashtine Olviga, kakasuhan ng Viva
- Pelikulang ni Lovi, pasok sa 83rd Venice Filmfest!
- CHED maglalaan ng P120M para sa pagsuporta ng student innovators
- Baseline ng Pinas sa Bajo de Masinloc, tinutulan ng China
- Prosekusyon naghanda ng 13 witnesses

