PINAYUHAN ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng flight kanselasyon mula at patungo ng Saudi Arabia na kumpirmahin muna sa kanilang mga airlines bago pumunta ng paliparan.

Mananatiling subaybayan ng mga OFWs sa Saudi Arabia, ang mga opisyal na abiso ng Philippine Embassy, MWO/OWWA, at lokal na awtoridad, at lumapit sa pinakamalapit na MWO/OWWA kung nangangailangan ng tulong.

Pinaalalahanan din ang mga OFWs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 at 3, na lumapit sa OWWA Airport Assistance Desks o sa mga kawani ng OFW Lounges at ipaalam ang kanilang pangangailangan upang magabayan sila sa angkop na tulong.

Samantala,nasa 30 kababayan kasama ang kanilang dependent sa Riyadh, ang pansamantalang natuloy sa hotel habang hinihintay ang kanilang biyahe pauwi sa Pilipinas.

Habang nasa 37 OFWs naman ang na stranded sa NAIA ang pansamantalang nasa hotel accomodations matapos makansela ang kanilang flight.(Gina Garcia)

Share.