Pumanaw na sa edad na 102 si Teofilo Gamutan Sr., na kinikilalang pinakamatandang World War II veteran sa Davao City.
Ayon sa kanyang pamilya, namatay si Gamutan, na mas kilala bilang “Lolo Pilo,” noong Biyernes Santo, Abril 3, 2026.
Inilarawan siya ng kanyang pamilya bilang isang taong namuhay nang may pananampalataya, dangal, lakas, kababaang-loob, at kabutihan. Anila, isa rin siyang mapagmahal na ama at kapitbahay na nagbigay ng dignidad at ginhawa sa mga tao sa kanyang paligid.
Humihiling ang pamilya ng panalangin para sa kanyang walang hanggang kapahingahan.
Nakilala si Lolo Pilo sa mga Davaoeño dahil regular siyang dumadalo sa paggunita ng Araw ng Kagitingan sa lungsod tuwing Abril 9 sa kabila ng kanyang edad.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

