Tinapos na ng aktres at Quezon City Councilor Aiko Melendez ang kanilang partnership ni Ogie Diaz bilang talent at manager.
Sa kanyang Facebook post sinabi ni Aiko naghiwalay na sila ng landas ng kanyang manager na si Ogie.
“My manager Ogie Diaz and I have reached a crossroads in our business life, and we have chosen to take separate roads. Though one thing remains unchanged, we are still good friends. I deeply value the friendship we have built through the years,” ani Aiko.
“Always grateful Ogie, for the friendship, trust, and memories we’ve shared and will share. Mahal pa din kita alam mo yan mader,” sey pa ni Aiko.
Sa comments section, makikitang kumbinsido naman ang mga netizen na ang paghihiwalay nina Aiko at Ogie ay dahil sa magkaiba nilang pinapanigan sa pulitika.
Si Aiko ay kilalang supporter ng mga Duterte habang si Ogie ay nabibilang sa mga tinatawag na ‘kakampink’.
====

Share.