Hindi nakapalag ang isang construction worker na sangkot sa droga nang maaktuhan naglalaro ng ilegal na sugal kasama ng isang pedicab driver sa Valenzuela City, kahspon ng hapon.
Sa ulat, habang nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento nang maaktuhan nila ang dalawang indibidwal na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ sa loob ng isang basketball court sa Cadena De Amor St., Brgy., Balangkas pasado alas-5 ng hapon.
Kaagad nilapitan nina PSSg Santos at PSSg Pingad ang dalawa sabay nagpakilala bilang mga pulis na kapwa nakatalaga sa Valenzuela Police Sub-Station 5 saka ipinaalam sa kanila ang kanilang nilabag na kasalanan bago inaresto.
Nakumpiska sa dalawa ang perang taya sa sugal, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano kay alyas “Dominador”, 49, residente sa nasabing barangay.
Ayon kay SDEU investigator PSSg Alfredo Mendoza III, na-inquest na ang suspek kaugnay sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law) at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.(Roger Panizal)

