Ibinahagi ni Noli Eala ang pagbabago sa plano ng kanyang pamangkin na si Pinay tennis sensation Alex Eala matapos itong makapasok sa Round 3 ng US Open.

Sa kanyang X (dating Twitter) account, itsinika ni Noli na dapat ay bibiyahe si Alex ng Seattle ngayong weekend dahil bridesmaid ito sa kasal ng kanyang pinsan. Ito ay kung natalo si Alex sa Round 2 ng US Open.

Ngayong nanalo ito, ang mga Eala ang lilipad ng New York para suportahan si Alex.

“Here’s the BIG reveal. The EALAs are celebrating a wedding this weekend in Seattle of one of our nieces. The parents of Alex are principal sponsors while Alex is suppose to be a bridesmaid along with my daughter, Lexie,” ayon kay Noli.

Nang talunin ni Alex si Oleksandra Oliynykova ng Ukraine sa Round 2, hindi na tuloy ang pagiging bridesmaid ni Alex.

“If she had lost, Alex would have flown straight out to Seattle. But because of her 2nd round victory, Alex has to stay on and miss the wedding. So now, the Ealas are flying in to NY after the wedding to watch her instead.

“All good. All in for Alex. Lets celebrate all of these priceless moments,” sey pa ni Noli.

Si Alex ay nahaharap sa exciting na Round 3 ng US Open kung saan ang beshy nito na si Iva Jovic ng US ang kanyang makakasagupa.

Pangatlong beses na ito ng paghaharap ng magkaibang Alex at Iva. Dalawang beses nang tinalo ni Iva si Alex.

Eto na kaya ang magiging resbak ni Alex sa kanyang beshy na si Iva?!

Share.