Umangat ang NLEX Road Warriors matapos ang dikdikang 104-101 panalo kontra Meralco Bolts sa overtime ng PBA Commissioner’s Cup sa Ynares Center.
Tinuldukan ni Ljay Gonzales ang laban sa buzzer-beating triple matapos ang assist ni Robert Bolick, para ikumpleto ang 17-point comeback ng NLEX.
Bago ang overtime, si Robert Bolick rin ang nagpanatili sa NLEX sa laro matapos niyang ipasok ang step-back three na tumabla sa 89-all at nagdala ng overtime.
Ayon kay NLEX assistant coach Borgie Hermida, sinadya nilang magbago ng disenyo ng play matapos ang ilang magkakasunod na set plays sa endgame.
Pinangunahan ng import na si Cady Lalanne ang NLEX sa 34 puntos, 25 rebounds, 3 blocks, at 3 assists.
Para naman sa Meralco, nanguna si Marvin Jones na may 25 points at 13 rebounds. Nagdagdag din sina Chris Newsome at Javee Mocon ng 19 at 17 points, ngunit kinulang upang mapanatili ang panalo.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

