PAHULAAN  na naman ang susunod na “senate president sa Lunes”!

Pero, pinakamaingay pangalan ni Sen. Sherwin Gatchalian  sakaling kumalas sa mayorya ang itsinitsismis na pangalan  nina Sen. Chiz Escudero at Sen. Loren Legarda.

Nagaganap ito sa  gitna  ng ulat na posibleng arestuhin  o sumuko sa mga awtoridad si Sen. Jinggoy Estrada ngayong Lunes din.

Umuugong ang  ulat na dalawang senador mula sa majority bloc ang lilipat umano patungo sa minority bloc sa Senado, ayon kay veteran columnist Ramon “Mon” Tulfo.
Sa Facebook post ni Tulfo nitong Biyernes, Mayo 29, sinabi ng kanyang source na hindi umano masaya ang mga naturang senador kay Senate President Alan Peter Cayetano.
“Two senators disgruntled with the majority bloc of Senate President (SP) Alan Peter Cayetano will jump over the bakod to join the minority bloc of ex-SP Tito Sotto on Monday,” aniya.
“Kapag nagkataon, ang minority ay magiging majority na. Change places in the Senate that can’t seem to put its acts together,” dagdag pa niya.
Kapag nangyari ang paglilipat sa Lunes, Hunyo 1, sinabi ni Tulfo na “Ang ilalagay na SP ng bagong majority ay si Sen. Win Gatchalian.”
Wala naman umano siyang napalang sagot sa kanyang mga kapatid na sina Raffy Tulfo at Erwin Tulfo nang tanungin ang mga ito tungkol sa pag-“over the bakod”.
“Pero huwag ninyo akong tanungin kung sino yung dalawang magiging jumping-bakod senators dahil di ko sasabihin kahit na pitpitin pa ninyo ang yagbols ko,” anang kolumnista.
Pero hirit ni Tulfo, “Clue: yung isa ay mataray at isa naman ay kaibigan ni Liza Marcos.”

Share.