Sinimulan na ng House prosecution team ang presentasyon ng kanilang unang testigo sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte nitong Martes, Hulyo 7.
Nanumpa at humarap sa Senado si NBI Agent John Mark Calilung.
Si Calilung ang parehong ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na tumestigo noon sa pagdinig ng House Committee on Justice.
Noon, sinabi niyang dumaan sa authentication process ng NBI ang video kung saan umano’y nagbanta si Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at noo’y House Speaker Martin Romualdez.
Sa pagpapatuloy ng paglilitis, sinimulan ng prosekusyon ang pagtatanong kay Calilung kaugnay ng ikaapat na artikulo ng impeachment, na may kaugnayan sa naturang umano’y pagbabanta ng bise presidente.
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

