Nagtala si Tyrese Haliburton ng 32 points, 15 assists at 12 rebounds na walang turnover para pangunahan ang Indiana Pacers sa 130-121 tagumpay laban sa New York Knicks sa Game 4 ng Eastern Conference finals kahapon sa Indianapolis.
Gumawa si Haliburton ng limang 3-pointers habang tinatamaan ang kanyang ikalawang career postseason triple-double at tinulungan ang Pacers na manguna sa 3-1 sa best-of-seven series.
Umiskor si Pascal Siakam ng 30 puntos, nagdagdag si Bennedict Mathurin ng 20 mula sa bench at nagdagdag si Aaron Nesmith ng 16 puntos para sa fourth-seeded Indiana.
Kumamada din si Jalen Brunson ng 31 points, si Karl-Anthony Towns ay may 24 points at 12 rebounds at nagdagdag si OG Anunoby ng 22 points para sa third-seeded na Knicks.
Umiskor si Mikal Bridges ng 17 puntos at nagdagdag si Josh Hart ng 12 puntos at 11 rebounds sa pagkatalo.
Ang Game 5 ay gagawin sa Biyernes sa New York.
Trending
- Tony Parker, iba pang basketball icons pinainit ang NBA House Philippines 2026
- Naomi Osaka agaw-eksena bago ang unang laban sa US Open
- 8 pelikula, na-shortlist sa 99th Oscars
- Liza, balik-Pinas, sumakay ng jeep
- “Keffe D” hinatulang guilty sa pagpatay kay Tupac
- TRADISYUNAL NA SINING SA SINGKABAN FESTIVAL
- PANLOLOOB SA PAWNSHOP BUKING, 8 SUSPEK TIMBOG
- VP SARA NAGPIYANSA; MAY BANTA RAW SA KANYANG BUHAY

