May katapat na mataas na multa ang naghihintay sa mga pasaway na mamamayan na nagtatapon ng basura kung saan-saan lang.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na pinag-uusapan na ng mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na lakihan ang multa para sa mga hindi marunong sumunod sa wastong pagtatapon ng basura para matuto at mabigyan ng leksiyon.
Puspusan aniya ang mga ginagawang hakbang ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para linisin ang mga daluyan ng tubig at manatiling operational ang pumping at clearing station na karamihan ay ginawang tapunan ng basura.
“Sa ngayon ay pinag-uusapan na lakihan ang penalty para sa mga pasaway na nagtatapon ng basura kung saan-saan lang,” ani Castro.
May mga indibidwal na aniya na nahuli sa CCTV na nagtatapon ng basura sa mga kanal at estero, ang iba ay nasa sasakyan pa at nagtatapon ng kanilang mga basura sa labas ng bintana.
Sinabi ni Castro na kung hindi man makatulong sa paglilinis sa drainage ay huwag ng maging pasaway at tumulong na lang dahil kapag nahuli ang mga ito ay pananagutin sa batas.
Aminado ang gobyerno na may mga lugar na hindi pa rin agad humuhupa ang baha dahil sa mga nakabarang basura kaya hindi titigil ang administrasyon na maisaayos ang mga ito at kailangan ang tulong ng bawat Pilipino.
Trending
- Frank Vogel kinuha ng Warriors associate head coach
- Sinner napanatili ang titulo sa Wimbledon
- Regalong kotse ni Echo, ibinenta ng utol
- Anjo, aminadong walang pambayad sa TVJ
- Rinoa, mabango sa love scene!
- Pastor arestado sa 12 bilang ng statutory rape
- Defensor, 2 pa naghain ng ‘not guilty’ plea sa ‘plunder’
- P190M inilaan para sa 2 municipal fish port sa Davao del Sur

