Patay ang 79-anyos na nanay nang hambalusin ng bakal ng kanyang sariling anak sa Purok 6, Bgy. Guindapunan, Catbalogan City, Samar.
Ayon sa impormasyon mula sa Catbalogan City Police Station, nangyari ang krimen umaga noong Septyembre 3, 2026.
Kinilala aAng biktima na si alyas Feli, 79, at isang vendor.
Ang suspek naman kinilalang si alyas “Anik”, 45, tricycle driver at residente din sa nasabing lugar.
Ayon kay Lt. Col. Norman Ala, hepe ng Catbalogan City Police Station, nanghihingi ng pera ang suspek kaya nagkasagutan ang mag-ina na nagresulta sa pananakit.
Lumalabas din sa imbestigasyon na sinakal ng suspek ang ina at hinambalos ng bakal sa ulo na ikinasawi nito.
Dinala pa ito sa hospital nguni’t idineklarang patay na ng mga doktor.
Ang isa pang anak ng biktima ang nakapagbigay ng impormasyon sa pulisya at sya ring nagsuko sa suspek sa mga awtoridad.
Kasong parricide ang isinampa ng mga awtoridad laban sa suspek.
Nagpapatuloy din ang imbistigasyon ng pulisya tungkol sa krimen.
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

