Inilipat na sa mga korte sa Quezon City ang mga kasong may kaugnayan sa pagkawala ng ilang “sabungero” dahil sa mga usaping pangseguridad at sa sensitibong kalikasan ng mga kaso, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Sinabi ni DOJ spokesperson Polo Martinez na iniutos ng Supreme Court En Banc ang paglilipat ng tatlong kaso ng kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention na kinasasangkutan ni negosyanteng Charlie “Atong” Ang at iba pang mga respondent.
“Pursuant to a resolution of the Supreme Court (SC) En Banc, the venue of the three cases for kidnapping with homicide and kidnapping and serious illegal detention involving Atong Ang and others has been transferred from the Regional Trial Courts of Sta. Cruz, Laguna; San Pablo City, Laguna; and Lipa City, Batangas, to the Regional Trial Court of Quezon City,” ani Martinez.
Ayon sa opisyal, inaprubahan ng Korte Suprema ang paglilipat noong Pebrero 5, 2026 matapos hilingin ito ng panel of prosecutors “in view of security considerations and the sensitive nature of the cases.”
Ipinamahagi na ang tatlong kaso sa magkakahiwalay na sangay ng Quezon City Regional Trial Court at nagpalabas na ng mga kaukulang abiso sa mga partido mula Abril hanggang Mayo.
Dumating ang hakbang na ito matapos magsampa noong nakaraang linggo ang limang pamilya ng mga nawawalang sabungero ng reklamong obstruction of justice laban sa abogado ni Ang at tatlo pang indibidwal dahil sa umano’y tangkang suhulan ang mga testigo at impluwensiyahan ang ilang pamilya na may kaugnayan sa kaso.
Inihain ni Charlene Lasco ang reklamo sa DOJ laban sa abogado ni Ang na si Caroline Cruz at tatlo pang katao na umano’y nagsabwatan upang hikayatin ang ilang pamilya na kumampi sa mga akusado.
Nauna namang sinabi ng isang whistleblower na itinapon umano sa Taal Lake sa Batangas ang mga bangkay ng mga nawawalang sabungero.
Trending
- Gilas Women U18 tinalo ang Vietnam sa SEABA qualifiers
- Alas Pilipinas kasado na para sa AVC Women’s Cup
- Sugar Mercado super iyak, wagi ng P1M sa dance contest
- Pambato ng Pampanga wagi sa Mrs. Philippines International
- Angelica, tinawag na ‘bionic woman’ ng asawa
- Swimming ban sa Bacuit Bay sa El Nido
- Namboboso sa dormitory, nandedekwat din ng brief
- Fil-Am nasa FBI ‘most wanted list’ dahil sa $34M bingo fraud sa Guam

