Nagpakawala ng cryptic post sa Threads ang misis ni Baron Geisler na si Jamie Marie Geisler na tungkol sa isang alalay, maid o personal assistant na natutulog umano sa iisang kama kasama ang kanyang married employer.
“Is it normal for an alalay/maid/PA to sleep in the same bed as her married employer? Morally acceptable? Asking for a confused wife,” tanong nito.
Dahil sa naturang tanong, agad itong napansin ng mga netizen at may ilan na si Baron ang naisip na maaaring pinatutungkulan ni Jamie.
May mga nagbigay rin ng sariling interpretasyon sa post, lalo na sa paggamit niya ng “Asking for a confused wife,” na maaaring mangahulugang hindi naman personal na karanasan niya ang tinatanong.
Nagkaroon din ng pagdududa ang ilang netizen kung si Jamie nga ang nagmamay-ari ng Threads account na naglabas ng naturang post.
Sinilip pa nila ang iba niyang social media accounts hanggang sa makumpirma nilang siya nga ang misis ng aktor.
Samantala, napansin din ng ilang followers ang mga post ni Jamie sa Facebook at Instagram tungkol sa cheating, pati na ang ilang art card quotes tungkol sa mga taong may pinagdaraanan sa buhay.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

