Umalma ang ilang taxi at jeepney drivers sa Cagayan de Oro City nang umanong P1,500 lamang ang natanggap nilang fuel subsidy sa halip na mas malaking halaga.
Nagtungo ang mga driver at operator sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board-Northern Mindanao noong Lunes upang humingi ng paglilinaw, dahil inaakala nilang P5,000 ang subsidy.
Ayon kay Bernie Jamaca ng Cagayan de Oro First Taxi Drivers Alliance, maraming driver ang nadismaya at nalito.
Sinabi naman ni Joel Gabatan ng United Drivers Association na may ilang jeepney drivers na umaasang aabot sa P11,500 ang ayuda, kabilang ang P5,000 mula sa AICS at P6,500 fuel subsidy.
Ayon kay LTFRB-10 Regional Director Aljo Bendijo, ipararating niya sa central office ang reklamo at kinumpirmang P5,000 ang nakalaang fuel subsidy para sa taxi drivers.
Pinayuhan din ng LTFRB-10 ang mga driver na may problema sa e-wallet payouts na direktang makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.
Trending
- School Safety and Security Summit pinangunahan ng NCRPO
- Mga Pulis-Taguig inireklamo, lipat-destino
- Mister tinodas ng kawatan habang natutulog katabi si Misis
- Ketamine : 2 Korean POGO workers dinakip
- Police officer sa Bulacan inireklamo sa Napolcom
- TODA : Tsuper sinaksak
- Service vehicle ng Navotas Polytechnic College,binasbasan
- SFeng Jiajun ng Hong Kong, wagi sa Asian Xiangqi Championship

